Wednesday, May 27, 2015

How to Found Out if He/She Likes You

Isa ito sa malaking tanong ng mga Single ngayon kung Paano mo nga ba Malalaman kung Crush ka ng Crush mo? Actually itong topic na ito ay isa sa mga naituro sa aming seminar about Persuasion.

The Title of this books is "Top 7 Persuasive Secrets Most People Will Never Know" by Mark Adrian. Pwede itong gamitin sa Business or sa paghanap ng iyong parner in life. Itong share ko sainyo is just part of the eBooks.


So Paano mo Malaman kung Gusto ka ng Kausap mo?

Sa tingin pa lang madali mong malalaman kung ang opposite sex mo ay interesado sayo or hindi at ito ay isa sa pinaka challenging part na ginagawa ng tao. Pero huwag mong pahirapan ang sarili mo kung alam mo naman kung ano talaga ang hinahanap mo. So bigyan ko kayo ng 5 signs na magpatotoo na gusto ka nya.

P.S. - Maganda itong gamitin sa Business lalo na if You are Offering a table talk Business Presentation.

Direction - if nakikipagusap ka sa kanya at nakaharap ang kanilang katawan sayo ay isang positive sign na interesado sya. Or kung ang paa nya naka pointed sayo rather than away sayo, ito na ang confirmation na interesado sya sa pakikipagusap sayo.

Attentiveness - ang babae na may gusto sa isang lalake ay laging nakatingin sa mata to avoid distractions. Malalaman mo na interesado sya kapag marami syang tanong sayo. At kapag yung buhok ng babae ay ginagalaw-galaw nya or pinapaikot-ikot ng hindi nya namamalayan.

Pero kapag ang girl ay sumagot ng mabilis na Yes/No sa paguusap nyo, meaning hindi ka nya gusto.At kapag ang mata ng girl ay tumitingin-tingin sa kung saan-saan, naghahanap na yan ng pagexitan nya.

Closeness - kapag ang isang tao ay gusto ka nya, mauupo sya sa tabi mo. Para sa mga lalake or babae, ang ginagawa nila ay sasandal sayo or ilagay nya ang ulo nya sa balikat mo kapag pagod sila.

Flirting and Teasing - kapag ang isang babae ay may gusto sa lalake, mahilig syang magbiro. Pero wag kang magagalit sa biro nya dahil ito ay isang magandang senyales. Make sure na tumawa ka at magsmile dahil ito ay isang patunay na kayo ay nagkakatuwaan at nagkakakuhanan ng loob.

Touching - ang babae na interesado sa isang lalake ay dumidikit-dikit sa kamay mo or sa braso mo para mas lalo kayong maglapit. At kung si Girl ay sinusundok-sundok ka or kinikiliti ka at nakikisabay din sa panunukso sayo, ibig sabihin ay naghihintay lang sya na magmove ka sa kanya.

I hope may natutunan kayo dito sa post ko. Pwede kayo magcomment if meron kayong gustong sabihin :)

0 comments :

Post a Comment