By: Pamela Saavedra
Do I like Duterte's character? A big NO.
Walang sinuman ang gusto ng nagmumura, babaero at pumapatay ng tao. Hindi iyan ang itinuro na magandang asal ng ating mga magulang at kahit ng simbahan. Hindi rin ito magandang ehemplo para sa kabataan. Kaya obligasyon ng mga magulang na bantayan ang mga bata na makarinig ng kanyang mga sinasabi.
Do I like Duterte as a leader? Absolutely YES!
Duterte compensates his imperfections with real service to the people.
1. Babaero siya at alam niyang hindi niya yun mapipigilan pero siya ang kauna-unahang nagpasa ng Women Development Code (City Ordinance 5004) sa buong Pilipinas. Ang kulungan ng mga babae sa Davao ay hindi selda kundi makukulay na mga bahay.
2. Nagmumura siya pero kasama ng kanyang plataporma ay ibalik ang GMRC at Values Education sa curriculum ng mga eskwelahan.
3. Pumapatay siya ng kriminal pero siya rin ang nangunguna sa pagpaparehab ng mga kabataang lulong sa droga at binibigyan pa niya ito ng P2,000 monthly allowance.
4. Dating lasenggo at chain-smoker pero mahigpit na ipinagbabawal ang pininigarilyo sa siyudad at may liquor ban pa ng hanggang 1am lang.
5. Hindi maganda ang tabas ng dila pero nagpatupad ng Anti-Discrimination Ordinance. Bawal i-discriminate ang Muslim, Kristiyano, Lumad, bakla, lesbian, transsexual, may kapansanan, ordinaryong mamamayan at kahit sino man.
6. Barumbado, mahilig sa baril pero nagpatubad ng fire cracker ban tuwing Pasko at New Year. Davao lang ang zero casualty sa paputok kada taon.
7. Protektor daw ng NPA at MILF pero andaming mga sundalo at pulis ang kanyang na rescue sa mga rebeldeng grupo. Mas marami pa siyang nagawa kaysa sa administrasyon.
8. Diktador daw at masama ang ugali pero siya ang unang rumesponde sa Tacloban na sinalanta ng bagyong Yolanda.
9. Mayabang daw pero ni isa sa kanyang proyekto ay wala ang kanyang mukha at pangalan. Hindi nagnakaw sa kaban ng bayan. Nakatira lang sa ordinaryong bahay sa subdivision. Ni wala ngang battalion ng body guard na nakapalibot at nagmamaneho pa ng taxi para mag-ikot sa siyudad.
10. Asal kanto, ugaling kalye pero WORLD CLASS ang serbisyo. And take note, lahat ng tao nakikinabang sa kanyang serbisyo, hindi lang ang mayayaman.
- Davao Central 911 (The only 911 in Asia. Equipments are all US-made. All services are free.)
- California Traffic Light System (Most modern in the Philippines. Sensorized, centralized to Traffic Center and Central 911)
- High-tech CCTVs, again the most modern in the Philippines.
- Public Safety Command Center powered by IBM (US technology giant company) making Davao the only Smart City in the Philippines. The fastest that can respond to crime and disaster.
- Food stamps for the homeless. Maraming dayo sa Davao na walang matirhan at walang makain kaya binibigyan ng food stamps ng local government para man lang may pantawid gutom.
- State of the art facilities of a GOVERNMENT hospital. Yes, the most modern hospital equipments in Davao are not in private hospitals but in a government hospital - the Southern Philippines Medical Center (formerly Davao Medical Center). Sagot niya ang gastusin ng mga batang may cancer sa Davao at kahit hindi taga Davao.
Kaya para sa inyong hindi siya kilala at bulag sa katotohanan, let me say this. He is actually making a sacrifice to us. Let him be the sinner, let him do the dirty work. Because he said, he must do the things that he must do as ugly as it can be because nobody in the government will do it for the people. In the end, only God can judge him on the things that he's done.
Kaya kung gusto niyo ng Pangulo na isang magandang ROLE MODEL, iboto niyo si Mar Roxas. Prim and proper, busilak at mabulaklak magsalita, makamasa (sa pictorial), good boy image. Ganon lang naman ka simple yon. Wag niyong iboto si Duterte dahil masama siyang ehemplo.
Pero kung gusto niyo ng TUNAY NA PAGBABAGO, and someone who can really get things done, alam niyo na ang sagot.
"I don't care if I go to hell as long as the people I serve will live in paradise." - Rodrigo Duterte
0 comments :
Post a Comment